BOOOM!! Field trip kahapon.. Ayos lang kaya si Yza? Sana nagpalit nalang kami ng upuan.., para nakasandal din siya kahit papaano.. Wala lang.. Nag-enjoy ako, kaso gusto ko talagang kasama namin si Ma'am Bustria.. Ang saya sa Science Centrum.. Sana mas matagal ang oras namin dun.. Sa Aguinaldo Shrine.., halos makapatay na ako.. Nakakaasar kasi yung isang taong kasama namin.. Tapos.., dumiretso na kami sa Island Cove.. Medyo tinamad na ako pagdating dun.. Hindi ko na tuloy nakita yung mga ostrich.. Kaya ayun.., nagswimming nalang ako.. Bwiset nga e.., ang tapang ng chlorine.. Pero maganda yung shower room nila, in fairness.. May tubig pa!! Kaya lang.., masikip pantalon ko.. Hehehe.. Sana ginabi kami ng pag-uwi.. Anyway, kumain kami sa Mcdo pagdating ng bus sa SM.. Dun nasira cellphone ko.. Hindi pa nga napapadoktor hanggang ngayon e.. Sumabay nga pala sila Yza at Orlie kagabi pauwi.. Sowee poh sa kanila kung napagalitan sila dahil sa'kin..
So ayun ang nangyari kahapon.. Ngayon, medyo maraming absent.. Wala din sila Ma'am Capinpin, Sir Mallari at Ma'am Obligar.. Grabe.., ang hirap ng algorithms.. Hindi ko pa nga na-so-solve yung problem #1 sa Assignment #6.. Ay futek.., di ko pa pala nababasa yung sa Pinoi.. Tapos di pa ako nag-aaral sa AP at Algeb.. Good luck sa'kin!!
~AdVaNcE HaPpY BiRtHdAy NgA PaLa kAy YzA~# posted by
Rheia | 11:40 AM
|
Wednesday, October 12, 2005
Computer Project.. Film Review.. Field Trip..>Bakit ganito na ako? Ang hilig ko nang mag-cram.. Kaya heto ako ngayon.. Nag-iisip ng mga algorithm problems para sa Computer project.. Tapos, ipapacheck ko mamaya kay Mama yung film review ko.. Pagkatapos pa nun, mag-aayos ako ng gamit para sa field trip.. Waaah.. Suko na ako.. Happy birthday nga pala kay Armin..
Haaay.. Nakaka-inis naman yung YM namin sa computer.. Ayaw lumabas ng mga tinatype ko.. Asar..
Kahapon, nagpractice kami para sa sayaw namin sa Mapeh.. Wala si RJ.. May water dispenser pa naman sila Victoria.. Sayang.. Tapos wala pa kaming background music.. Hindi kami makapili.. Kaya sa Thursday, sasayawin namin lahat ng steps.. Wah. Pag-uwi ko, nalito pa ako.. Hindi ko alam kung saan ako sasakay ng tricycle.. Buti nalang naka-uwi nga ako.. Ang sarap magkaroon ng bagong katext.. Kaso medyo mayabang siya na ewan.. Wala lang.. Nagpunta din kami sa UP Library kahapon.. Hindi nga lang kami pinapasok.. Ewan ko ba.. Saan kaya ako makakakuha ng sources? Kawawa naman ako.. Nag-National Bookstore nalang kami.. Ayan.. May compass na ako.. Mapapahiram ko na din siya sa wakas!! Nyahahaha!!
Nung Sunday naman, nag-grocery kami sa Supersale para sa baon ko sa field trip.. Yun lang.. Tapos maghapon na akong walang ginawa.. Asteeeg.
Sunday, October 09, 2005
Assignments.. Projects.. WAAAH!!>Wow.. Ang daming dapat gawin.. Tapos umiiral pa ang katamaran ko.. Paano na 'to?
Haaay.. Sana nag-enjoy ang M.O.[C.]H.A. kanina.. Grabe.. May nanonood.. May nag-iinternet.. May naglalaro ng playstation.. At may natutulog.. Naks.. Sowee nga pala Orlie sa ginawa ko kanina.. Di ko naman kasi alam na may sakit ka e.. Sowee..
Kinunsensya ako kahapon sa lecture sa Values.. Grabe.. Naiiyak na ako.. Ako yata ang pinakapinapatamaan dun e.. Belated hapi bertdey nga pala kay Jean at Joedy.. Advance kay Armin, Yza at Ina..
Malapit na ang field trip!! Oh yes!! Sana *tooot* - 2 boys ang kasama namin sa bus..# posted by
Rheia | 10:45 AM
|
Wednesday, October 05, 2005
Childish? Is That Possible?>October 4 (Tuesday). Wow.. Bwiset naman si Eggnog ngayon.. Napakatsismoso.. Grabe.. Sobrah.. So what kung childish ako? Pakialam ba niya?
Tapos nalaman na ni Ma'am Eugenio kung sino ang crush ko.. Waaah.. Ayos lang.. Alam na naman yun ng buong mundo e..
Haay.. May bagong steps sa P.E... Ang hirap kabisaduhin.. Malas..
Ang kuhlet ng program kanina.. Kaso inaantok talaga ako e..
Sana pumasa ako sa quiz sa Bio..
Advance happy birthday, Lindsay..
October 3 (Monday). Nagpresent kami ngayon sa P.E... Patawarin niyo ako groupmates.. Ako ang dahilan kung bakit 93 lang tayo.. Sowee..
October 2 (Sunday). Nagsimba kami ngayon at nagpunta sa bahay ng lola't lolo ko.. Pagdating sa bahay sabog na ako sa assignments..
October 1 (Saturday). Nagpunta kami sa office nila Victoria para magpractice ngayon.. Grabe si RJ.. Nakatitig lagi sa water dispenser.. Tapos wala pa kaming CD.. Wahahaha..
September 30 (Friday). Okei.. Cramming Mode sa notecards..
September 29 (Thursday). Wala akong matandaan e..
September 28 (Wednesday). Waaah.. Wala si Maci.. Ako tuloy yung pumalit sa dula-dulaan.. Ayoko na..