Saturday, June 24, 2006

Elow.>

Ei. Haaay. Nakapag-update rin. Aba. Biglang sinipag. Haha. Dapat siguro gawin ko na muna ang mga takdang ibinigay sa'min kaso sabi ko nga, sinipag ako. Nyahaha. Oki. Ano bang nasa isip ko ngayon? Hmm.. A. Yung load ko. Wala lang. Ang bilis lang maubos. Hehe. 'Di bale na. Basta siya. Masaya na ako. Homeworks. Pucha. Wala pa yata akong nagagawa. Inatake nanaman ng katamaran. Buhay nga naman talaga. May General Assembly sa school bukas. Haaay. Sana isama nila ako. Kaso may pupuntahan pa silang binyag. Sayang. Pero ayos lang siguro yun. Dadami ang oras ko para gumawa ng assignments. Insaniquarium. Ba't ganun? Hindi man lang ako makaalis sa level 1-4. Wala talaga akong kwenta. Haaay. Chemistry. Andaya. 'Di yun pwede. Tulong sa mga bag ko? 'Wag na!! Kaya ko pa naman eh. Hindi ako ganun kahina. =)

What pa ba? Wala na akong maisip. Sige. Hanggang dito nalang. Papatulugin na rin naman ako ng kuya ko. Haha. Pish. Aylabyu!! Hehe. Oki. Magandang umaga sa inyong lahat, kahit na gabi parin sa orasan nitong blog ko. Babye.

Sunday, June 04, 2006

Babye Na Muna..>

Haaay. Pasukan na bukas. Hindi na ako makakapag-update. Hehe. Asahan niyo yun. =)

Eniwei, ka-chat ko si Jen kagabi at nakipag-away din ako kay JP. Whoa. Natapos ko na rin yung nobelang may mahabang title. Pasensya na ha, ayoko na siyang banggitin eh. Wahehehe. Tapos... Hmm.. Ano pa ba? Wala na yata. Lipat naman tayo sa mga nangyari ngayon. X) Nagising ako mula sa aking wirdong panaginip. Asteeeg, may medyas na isda na pala ngayon. Hehe. Teka, Sunday ngayon, tama po ba? Oo, tama. Sunday nga. Dapat magsisimba kami kaso patapos na yung misa nung kami'y dumating. Kung tatanungin niyo kung bakit, ay naku. Ang dami pa kasing inasikaso ni Papa. Pinuputol na ang lahat ng illegal wiring ng Cable. Nahihilo rin kasi si Mama. Ayun. Kaya tumuloy nalang kami kanila Mommy. Ang charap nung Chubby at nung turon. Hehehe. Oo nga pala, salamat po sa bag at sa T-shirt. =) Nandun kami hanggang hapon. At ngayon, nakauwi na kami. Kaya nga nasa harap na ako ng PC, di ba? Hehe. Sensya na. Baliw lang talaga. Tapos, tapos na. Magbabalot na kami ni Mama ng libro pagkatapos kong magPC. Mag-aaya rin siguro akong pumunta sa Circle C. Aba, sinipag. Siyempre, wala pa akong load. Wahehe. XD

Oh yeah. Before I forget, I want to wish Angelica and Karl a very happy birthday. HAPPY BIRTHDAY PO SA INYO!!

So, there. Babayu na po. 'Till next time then. ^_~

Saturday, June 03, 2006

Kahapon.>

Elow. Dahil wala pang magandang nangyayari ngayon na pwede kong ikuwento (maliban dun sa malapit ko nang matapos ang By The River Piedra I Sat Down And Wept [..Whoa, haba.] at binalik na yung Motorola), balikan nalang natin ang kahapon. =)

Okei. Yung post ko po kahapon, um.. Sori po kung may na-offend ako. Pasensya na po kayo, ewan po ako ma-badtrip eh. Nagta-transform. Hehe. Peace po tayo!! =D

Kwento mode. X) Pagkatapos kong mag-PC, natulog na muna ako. Nung nagising ako, nakita kong binabasa ng aking mader ang cellphone ko. Hah. Akala niya 'di ko yun nakita. Tsk, tsk. Wahehe. Pish po. Tapos nagulat ako, lalo pang sumakit ang ulo ko. Hmm. Siguro dahil mainit. Ay teka, brown-out nanaman ba?! Shucks. Dahil gising na rin naman ako, bumangon na ako at bumaba. Tumawag nga pala si LC. Nag-uusap kami nang mawalan ng dial tone yung telepono. Siyempre, pinatawag ko siya ulit. Dun sa kabilang telepono naman. Hehe. Tuloy ang usapan namin. Habang kausap ko siya, kinakain ko yung Nova na pinabili nila Mama. Ang takaw ko talaga. Wahehe. Tapos dumating si Cloy. "Ate, what's that?", "Ate, look, a giant lizzard!!", "I'll trade this whistle for your Nova", "Sa'kin nalang yung Nova mo, sa'yo itong tuyo", "Ate, sa'kin nalang yung Coke mo". My goodness. Lahat na yata ginagawa niya, makuha lang yung kinakain ko, samantalang inubos na niya yung kanya. Tsk. Ang sama kong kapatid. Tapos 'eto namang si Lindsay, tinatawanan ako. Nung naubos ko na yung Nova, tsaka ko lang binigay. >=) Haha. Sama ko talaga. Dahil makulit talaga si Cloy, umakyat siya at ginamit yung telepono dun para makialam sa usapan namin ni LC. Baliw. Tapos, biglang naputol yung linya. Whoa. 'Steeeg. Anong nangyari? Tinamaan siguro ng kidlat. Haha. Ayun. Wala na kaming magawa, kaya nag-pillow-fighting nalang kaming magkakapatid. Sobrang chaotic namin sa loob ng bahay, and yet, ang saya parin. Ba't kaya ganun? Hehe. Mamaya-maya, pinatigil na kami ni Mama. Wala nanamang magawa, tinuloy ko nalang ang aking pagbabasa ng By The River Piedra I Sat Down And Wept. Dahil gabi na, ginamit ko yung flashlight ng cel ko. Ayan tuloy, naubos na yung battery. Isang bar nalang siya. Waaa. Pagkatapos kumain, naghanap ako ng kandila sa baba. Dun nalang ako nagbasa. Bwahahaha. Makalipas ang ilang sandali, may narinig akong "Sa ate niyo yan" mula sa second floor. Hmm. Ano kaya yun? Nagbabasa parin ako nung tinawag nila ako. May pinakita silang cellphone ("Whoa. Okei. Kanino yan?"). Akala ko kay Papa, pero nung sinabi nilang sa'kin daw yun, 'di na ako makapagsalita. Asteeeg. Motorola Cingular. Nung una, nagustuhan ko siya kasi sobrang nipis (halos parang remote ng aircon), may pagka-iPod, at may video camera. Pero nung tumagal, napag-isip-isip ko na ayaw ko siya. Bakit? Hmm. Unang-una, hindi ko malilipat ang mga messages/picture messages na nasa phone memory ng Nokia 3200 ko. Pangalawa, hindi rin pwedeng malipat yung mga images. Pangatlo, walang kwenta yung games kasi kailangan pa silang bilhin. Pang-apat, may Mp4 po ako, ba't ko pa kailangan ng ganung cellphone? Panglima, sa PC mo lang siya pwedeng i-charge. At pang-anim, kontento na ako sa kasalukuyang cellphone ko!! So, ayun. Ayaw ko talaga siya, kaya binigay nalang nila sa kapatid ko. Pagkatapos kong magdesisyon, naligo na ako. Binabaha na nga pala ang kwarto ko. Ang galing anoh? Hehe. Hmm. Ano pa ba? Ah. Tuluyan nang namatay ang cel ko kaya naghanap nanaman ako ng magagawa. Nakakita ako ng mga papel at mga bolpen. Boom. Nagsimula akong gumuhit, kaso tinamad din ako. Nakita ko yung test paper ng kapatid ko, pinagmamalaki pa niyang perfect siya. Whatever. Tanggap ko nang matalino siya at mangmang lang ako. Haha. Wala lang. Makalipas ang ilang oras, inantok na ako at natulog sa kwarto ng mga magulang ko kasama ang aking mga kapatid. Nagising ako mga 1.30am. Binuksan ko yung cel ko, kaso nag"Battery Empty" at namatay uli siya. Namataan ko yung Motorola at naisipang palitan muna ng sim card ko. Kinakalas ko na ang cel ko nang magkaroon ng kuryente. Salamat!! Tumayo na ako, nagpunta sa aking kwarto, binuksan ang ilaw at sinaksak ang charger, sabay charge ng cellphone. Oki. Nakapagtext na rin. Hehe. Sensya na po. Sori.

Haaay. Natapos ko rin ang aking kuwento. Waaa. Tapos na ang bakasyon, malapit na ang pasukan, parang ayaw ko na. Pero... Hmph, sige, kaya yan. Hehe. Irregular na uli ang pag-a-update ko. Oki doki. Bye for now!!

Friday, June 02, 2006

Moronic Idiot..>

Putek. Brigada Eskwela II pala ha. Grr. Badtrip. Bakit? Hmm. Reason #1: Nandamay pa ako. Sori J-J, 'di ko po sinasadya. Pasensya ka na, mangmang ako eh. Sori, sori, sori po talaga. Reason #2: Nasa third floor nanaman ang classroom namin. Sinu-sino ba kasi ang mga nangungupahan sa first floor?! Hindi ba paaralan ang Quezon City Science High School?! Peste. Reason #3: Kami lang ang naglinis. Kaunti pa kami. Leche. Salamat nga pala kay Yza sa pagsabay sa'kin, at sa lahat ng mga pumunta. Pati na rin kay J-J. Salamat po. Reason #4: To hell with our subjects!! Pahirapan daw ba kami? *Sigh*. Buhay nga naman.

Haaay. Napakalakas kong magbuntong-hininga. Grabe ang buhay eh. Parang life na hindi maintindihan. Syite. Anyways, hindi naman puro kabadtripan ang araw ko ngayon. Bakit? Wahaha. Ayan nanaman tayo sa bakit. Siyempre, alam niyo na ang mga kasunod. Reason #1: Kasama ko siya. Kasama ko rin sila Yza, Audrey, Hoshea, at Aldrin. Saya. Saan ka pa? Reason #2: May pasalubong ako kay Vince. Hehe. Minsan ko lang nagagawa yun. Buti nalang kotse yung laruan. X) Reason #3: I had fun. Kahit na kaunti lang kami, kahit na nadumihan yung pantalon ko, at kahit na pinawisan ako, masaya pa rin ang araw ko. Sori lang po talaga kay J-J. Batukan mo nalang ako sa pasukan. Oki? Oki. Hehe. =)

Um.. Yun lang po. Salamat sa pagbasa ng ewan kong post. XD

Thursday, June 01, 2006

Oh Siht.>

Grr. Bwisit na telepono. Ayan tuloy, badtrip nanaman ako. Dumadami na rin ang kasalanan ko. Bwisit talaga. Kung pwede lang putulin yung linya eh. AAAAAAAAAAAARGH!! *Tooot tooot tooot*!! Ayos. Volcano mode. Hingang malalim.. Breathe in, breath out. One.. Two.. Three.. Four.. Five.. Six.. Seven.. Eight.. Nine.. Ten.. Wow. Galing kong magbilang. Haha. Parang bata. Okei. Sori po kay God. Patawarin Niyo po ako.

Pasensya na po kayo. Dito ko nalang inilabas ang galit ko, kaysa naman sa pader. Kawawa na siya. Nyahaha.

Whoa. Malapit na pala ang pasukan. Ang hihirap ng mga subjects. Babagsak nanaman ako. Haaay. A, basta. Kaya yan. Gagawin ko ang makakaya ko. =D

Tapos may Brigada Eskwela nanaman bukas. Oh, well. Atleast may posibilidad na makita ko siya. X)

Ericho, dude. Salamat sa pagtulong. Turuan mo ako ha? Salamat ulit.

Hmm. Yun lang ata. Haha. =)


Nakakabaliw Ang Mundo..
>

Ngayon. Yung panaginip ko lang ang maikukuwento ko sa inyo. Nasa bahay nila ako. Walang kausap. Magaling. Tapos may Art Attack at mga piso. The end. Ewan ko ba. Ay teka. Yung kababalaghan pa palang nangyari sa kwarto ko. Kagabi kasi, ni-lock ko yung pinto ko. Ang alam ko, walang susi sa lock na iyon. Pagkagising ko, hindi na siya naka-lock. Hala. Paano kaya nangyari yun? Hehe. Baka ako lang yung nagbukas. Haha. Loka. XD

Kahapon. *Sched* Ayan. May schedule na kaming magkakapatid sa PC. Ayos. Makakapag-Internet na uli ako. XD *Ballpen* Whoa. 'Steeg. Yung bolpen na iba't iba yung kulay ng ilaw, napasaakin din!! Bwahahaha!! Inarbor ni Mama.. Hehe.. Salamat po. *By the River Piedra I Sat Down and Wept* Wala lang. Binasa ko lang uli siya. *Telebabad* Hi LC.. Salamat sa pagtulong sa'king matapos yung death note ko.. Hehe.. Thank you rin sa pagtawag. Pasensya ka na kay Cloy. =) *Ayos ka lang ba?* Oki. Everyone, meet my bestfriend, the wall. Ganito kasi yun. Hindi ko kayang maglaslas kaya sinusuntok ko nalang ang pader t'wing may problema ako. Teka. Sigurado ka bang ayos ka lang? Sori ha. Nag-aalala lang po. Pasensya ka na.

Kahapon ng kahapon. Um. Wala akong matandaan. Nag-Sims lang ata ako. Oo, tama. Yun lang ang ginawa ko. Kaunting ayos, tapos nilaro ko na. Ang galing. En den nakipag-away nanaman ako sa mader ko. Huwaw. I hate myself.

Nung isang araw. *Panaginip* Medyo magulo siya. Basta nandun si Jeric at may dala siyang mga sisiw. Tapos, may isa pang lalaki na di ko kakilala. *IP Adventure* Hmm. May miting para sa IP sa McDo Carpark. Nawawala yung blue kong long-sleeves. Haaay. Yung pink na nga lang. Hinatid ako ni Pader sa may footbridge. Grabe, nag-aaway yung mga driver ng FX. Tapos wala masyadong FX. Ang init pa. Saya. Ilang minuto ang nakalipas bago ako nakasakay. Muntik pang makalimutan nung driver yung sukli ko. Beri gud. Ayun. Nakarating ako sa McDo. Isa pa lamang ang ka-group kong andun. Huwaw. Siyempre, tumawag kami sa iba pa naming mga ka-group. JP: may sakit parin, 'di talaga pwede. Carla: hindi pinayagan. Catleya: binababaan kami sa cellphone, busy ang landline. Giannelli: 'di ma-contact. Oki. Kaming dalawa lang talaga ang magka-canvass ng mga materials. So be it. Paikot-ikot kami sa SM, pati na rin sa SuperSale. Umabot pa kaming Quezon Avenue. Asteeeg. Mali-mali pa yung pinupuntahan namin sa MRT. Haaay. Buti nalang may Makabuhay dun. Yey!! Kahit na maliit parin siya, atleast meron. Devah? Hehe. Sarap ng pakiramdam. Ang hindi lang namin nakita, chloroform. Malamang. Pang-kidnap siya, di ba? Hehe. Ayun. Tambay sa McDo, pahinga nang kaunti. Tapos umuwi na kami. Nagkita kami ni Mama sa MRT. Pagdating sa bahay, lumala yung sakit ng ulo ko. Dahil siguro sa pagod. Nga pala, salamat sa lahat-lahat. Pasensya ka na, wala akong kwentang kasama. =( Pero sana talaga hindi na natapos yung araw.. *Death Note* Sa sobrang sakit ng ulo, akala ko mamamatay na ako. Haha. Kaya nagsulat ako ng tula sa aparador ko gamit ang isang pirasong chalk. "I am not afraid of death, I am not afraid to die. But I am afraid of it, if I didn't say goodbye..." Yan ang panimula ko. Baliw na talaga ako. Sensya na, pinag-alala kita. Sori po.