Saturday, June 03, 2006

Kahapon.>

Elow. Dahil wala pang magandang nangyayari ngayon na pwede kong ikuwento (maliban dun sa malapit ko nang matapos ang By The River Piedra I Sat Down And Wept [..Whoa, haba.] at binalik na yung Motorola), balikan nalang natin ang kahapon. =)

Okei. Yung post ko po kahapon, um.. Sori po kung may na-offend ako. Pasensya na po kayo, ewan po ako ma-badtrip eh. Nagta-transform. Hehe. Peace po tayo!! =D

Kwento mode. X) Pagkatapos kong mag-PC, natulog na muna ako. Nung nagising ako, nakita kong binabasa ng aking mader ang cellphone ko. Hah. Akala niya 'di ko yun nakita. Tsk, tsk. Wahehe. Pish po. Tapos nagulat ako, lalo pang sumakit ang ulo ko. Hmm. Siguro dahil mainit. Ay teka, brown-out nanaman ba?! Shucks. Dahil gising na rin naman ako, bumangon na ako at bumaba. Tumawag nga pala si LC. Nag-uusap kami nang mawalan ng dial tone yung telepono. Siyempre, pinatawag ko siya ulit. Dun sa kabilang telepono naman. Hehe. Tuloy ang usapan namin. Habang kausap ko siya, kinakain ko yung Nova na pinabili nila Mama. Ang takaw ko talaga. Wahehe. Tapos dumating si Cloy. "Ate, what's that?", "Ate, look, a giant lizzard!!", "I'll trade this whistle for your Nova", "Sa'kin nalang yung Nova mo, sa'yo itong tuyo", "Ate, sa'kin nalang yung Coke mo". My goodness. Lahat na yata ginagawa niya, makuha lang yung kinakain ko, samantalang inubos na niya yung kanya. Tsk. Ang sama kong kapatid. Tapos 'eto namang si Lindsay, tinatawanan ako. Nung naubos ko na yung Nova, tsaka ko lang binigay. >=) Haha. Sama ko talaga. Dahil makulit talaga si Cloy, umakyat siya at ginamit yung telepono dun para makialam sa usapan namin ni LC. Baliw. Tapos, biglang naputol yung linya. Whoa. 'Steeeg. Anong nangyari? Tinamaan siguro ng kidlat. Haha. Ayun. Wala na kaming magawa, kaya nag-pillow-fighting nalang kaming magkakapatid. Sobrang chaotic namin sa loob ng bahay, and yet, ang saya parin. Ba't kaya ganun? Hehe. Mamaya-maya, pinatigil na kami ni Mama. Wala nanamang magawa, tinuloy ko nalang ang aking pagbabasa ng By The River Piedra I Sat Down And Wept. Dahil gabi na, ginamit ko yung flashlight ng cel ko. Ayan tuloy, naubos na yung battery. Isang bar nalang siya. Waaa. Pagkatapos kumain, naghanap ako ng kandila sa baba. Dun nalang ako nagbasa. Bwahahaha. Makalipas ang ilang sandali, may narinig akong "Sa ate niyo yan" mula sa second floor. Hmm. Ano kaya yun? Nagbabasa parin ako nung tinawag nila ako. May pinakita silang cellphone ("Whoa. Okei. Kanino yan?"). Akala ko kay Papa, pero nung sinabi nilang sa'kin daw yun, 'di na ako makapagsalita. Asteeeg. Motorola Cingular. Nung una, nagustuhan ko siya kasi sobrang nipis (halos parang remote ng aircon), may pagka-iPod, at may video camera. Pero nung tumagal, napag-isip-isip ko na ayaw ko siya. Bakit? Hmm. Unang-una, hindi ko malilipat ang mga messages/picture messages na nasa phone memory ng Nokia 3200 ko. Pangalawa, hindi rin pwedeng malipat yung mga images. Pangatlo, walang kwenta yung games kasi kailangan pa silang bilhin. Pang-apat, may Mp4 po ako, ba't ko pa kailangan ng ganung cellphone? Panglima, sa PC mo lang siya pwedeng i-charge. At pang-anim, kontento na ako sa kasalukuyang cellphone ko!! So, ayun. Ayaw ko talaga siya, kaya binigay nalang nila sa kapatid ko. Pagkatapos kong magdesisyon, naligo na ako. Binabaha na nga pala ang kwarto ko. Ang galing anoh? Hehe. Hmm. Ano pa ba? Ah. Tuluyan nang namatay ang cel ko kaya naghanap nanaman ako ng magagawa. Nakakita ako ng mga papel at mga bolpen. Boom. Nagsimula akong gumuhit, kaso tinamad din ako. Nakita ko yung test paper ng kapatid ko, pinagmamalaki pa niyang perfect siya. Whatever. Tanggap ko nang matalino siya at mangmang lang ako. Haha. Wala lang. Makalipas ang ilang oras, inantok na ako at natulog sa kwarto ng mga magulang ko kasama ang aking mga kapatid. Nagising ako mga 1.30am. Binuksan ko yung cel ko, kaso nag"Battery Empty" at namatay uli siya. Namataan ko yung Motorola at naisipang palitan muna ng sim card ko. Kinakalas ko na ang cel ko nang magkaroon ng kuryente. Salamat!! Tumayo na ako, nagpunta sa aking kwarto, binuksan ang ilaw at sinaksak ang charger, sabay charge ng cellphone. Oki. Nakapagtext na rin. Hehe. Sensya na po. Sori.

Haaay. Natapos ko rin ang aking kuwento. Waaa. Tapos na ang bakasyon, malapit na ang pasukan, parang ayaw ko na. Pero... Hmph, sige, kaya yan. Hehe. Irregular na uli ang pag-a-update ko. Oki doki. Bye for now!!