Saturday, July 29, 2006

*Tootooot*!!>

At random lahat ng ito. Kung anong unang pumasok sa isip ko, yun ang ilalagay ko.

Grr. Nasa choir dapat ako ngayon kaso sabi ni mader, gumawa nalang daw ako ng homeworks. Bwisit. Wala rin naman akong nagawa. Magagalit na talaga sila sa'kin. Haaay. Nakakaasar.

Canon. Asteeeg. Narinig ko na rin sa wakas. Hehe. Ang galing mo talaga. Salamat ha. Teka. Ikaw ba yung nagsimula nun? Wala lang. May mga music features kasi si Ericho ng Canon. Ayun. Nga pala, Ericho, ang galing nung rock version!! XD

Waa. Huli. Beri gud. Patay na ako sa Monday. 'Di bale. Wala naman yun sa ground rules niya eh. Hehe. Pasaway.

Ang daming proyektong hindi ko pa nagagawa. Homeworks din. Kung napakatamad mo nga naman. Sige. Gagawa ako ng imposible mamaya. Tatapusin ko silang lahat. Haha. XD

Naghomeroom kami kahapon. Nakakaasar na kasi talaga si ano eh. Magpapa-late tapos mag-o-overtime. Wala na tuloy kaming lunch. Kinawawa niya rin si Ma'am Bandayrel. Leche siya. Manhid na nga, ang taas-taas pa ng expectations. Grabe pa magbigay ng takdang aralin. Ang sarap sabunutan. Haha. Bastos. Ang sama ko talaga. Tama na yan. Pagkatapos nun, steno naman kami. Nagturo ng kaunti si sir Allas. Ang lakas niyang mang-asar [pish!!]. Wala lang kaming elective. Tsk, tsk. Ang daya talaga.

Ngayon ko lang naalala.. Happy birthday Jamie!! Pasesensya na po!! =)

Oki. Wala na akong maikwento. Gagawa pa ako ng Pinoi. Langya si _ _ _ _ _ _. Litsonin!! Nyahahaha!! Babye.

Monday, July 24, 2006

Nagbabalik.>

Wahaha. Ang galing. Dapat tinatapos ko na yung Chem, kaso as usual, tinatamad nanaman. Eniwei. Ang lakas ng ulan. Bwisit ka, Glenda. Sana may pasok bukas. Tapos, kung kailan na kami nasa school, tsaka nila i-suspend. Haha. Ang sama ko talaga.

SONA. Ay nakoo. Wala akong naintindihan. Noong una siguro, meron. Kaso, nakakainip manood, ang tagal pa naman, kaya kumain nalang ako. Haha. Baaad.

Ayun. Ano pa ba? Avo-Bec '08. Waa. Salamat at naging daan ka sa communication namin. Hehe. Sana magtagal ka na. Nakakaasar, nabura yung '08, nawala tuloy yung mga PM.. Haaay. Well, that's life. =)

Erin, salamat!! Kahit na hindi ako naniniwala run sa "loyal yun sa'yo".. Wala lang. Salamat ulit. BTW, kailanman ay hindi ako nagka-bf ha? Hehe. Kilala mo ako. XD

Yun lang po. 'Till next time. Babye.