Ngayon. Yung panaginip ko lang ang maikukuwento ko sa inyo. Nasa bahay nila ako. Walang kausap. Magaling. Tapos may Art Attack at mga piso. The end. Ewan ko ba. Ay teka. Yung kababalaghan pa palang nangyari sa kwarto ko. Kagabi kasi, ni-lock ko yung pinto ko. Ang alam ko, walang susi sa lock na iyon. Pagkagising ko, hindi na siya naka-lock. Hala. Paano kaya nangyari yun? Hehe. Baka ako lang yung nagbukas. Haha. Loka. XD
Kahapon. *Sched* Ayan. May schedule na kaming magkakapatid sa PC. Ayos. Makakapag-Internet na uli ako. XD *Ballpen* Whoa. 'Steeg. Yung bolpen na iba't iba yung kulay ng ilaw, napasaakin din!! Bwahahaha!! Inarbor ni Mama.. Hehe.. Salamat po. *By the River Piedra I Sat Down and Wept* Wala lang. Binasa ko lang uli siya. *Telebabad* Hi LC.. Salamat sa pagtulong sa'king matapos yung death note ko.. Hehe.. Thank you rin sa pagtawag. Pasensya ka na kay Cloy. =) *Ayos ka lang ba?* Oki. Everyone, meet my bestfriend, the wall. Ganito kasi yun. Hindi ko kayang maglaslas kaya sinusuntok ko nalang ang pader t'wing may problema ako. Teka. Sigurado ka bang ayos ka lang? Sori ha. Nag-aalala lang po. Pasensya ka na.
Kahapon ng kahapon. Um. Wala akong matandaan. Nag-Sims lang ata ako. Oo, tama. Yun lang ang ginawa ko. Kaunting ayos, tapos nilaro ko na. Ang galing. En den nakipag-away nanaman ako sa mader ko. Huwaw. I hate myself.
Nung isang araw. *Panaginip* Medyo magulo siya. Basta nandun si Jeric at may dala siyang mga sisiw. Tapos, may isa pang lalaki na di ko kakilala. *IP Adventure* Hmm. May miting para sa IP sa McDo Carpark. Nawawala yung blue kong long-sleeves. Haaay. Yung pink na nga lang. Hinatid ako ni Pader sa may footbridge. Grabe, nag-aaway yung mga driver ng FX. Tapos wala masyadong FX. Ang init pa. Saya. Ilang minuto ang nakalipas bago ako nakasakay. Muntik pang makalimutan nung driver yung sukli ko. Beri gud. Ayun. Nakarating ako sa McDo. Isa pa lamang ang ka-group kong andun. Huwaw. Siyempre, tumawag kami sa iba pa naming mga ka-group. JP: may sakit parin, 'di talaga pwede. Carla: hindi pinayagan. Catleya: binababaan kami sa cellphone, busy ang landline. Giannelli: 'di ma-contact. Oki. Kaming dalawa lang talaga ang magka-canvass ng mga materials. So be it. Paikot-ikot kami sa SM, pati na rin sa SuperSale. Umabot pa kaming Quezon Avenue. Asteeeg. Mali-mali pa yung pinupuntahan namin sa MRT. Haaay. Buti nalang may Makabuhay dun. Yey!! Kahit na maliit parin siya, atleast meron. Devah? Hehe. Sarap ng pakiramdam. Ang hindi lang namin nakita, chloroform. Malamang. Pang-kidnap siya, di ba? Hehe. Ayun. Tambay sa McDo, pahinga nang kaunti. Tapos umuwi na kami. Nagkita kami ni Mama sa MRT. Pagdating sa bahay, lumala yung sakit ng ulo ko. Dahil siguro sa pagod. Nga pala, salamat sa lahat-lahat. Pasensya ka na, wala akong kwentang kasama. =( Pero sana talaga hindi na natapos yung araw.. *Death Note* Sa sobrang sakit ng ulo, akala ko mamamatay na ako. Haha. Kaya nagsulat ako ng tula sa aparador ko gamit ang isang pirasong chalk. "I am not afraid of death, I am not afraid to die. But I am afraid of it, if I didn't say goodbye..." Yan ang panimula ko. Baliw na talaga ako. Sensya na, pinag-alala kita. Sori po.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home