March 11. Walang practice.. Late na akong nagising, tapos natulog uli ako after breakfast. Pagkagising, nag08 muna ako bago maligo. Dumating lolo't lola ko kasama ang tita ko at ang kanyang pamilya. Naglaro kami ni Kyla ng pantatak ko sa katawan tapos naligo na siya. Inayos ko na uli ang blog ko.. Medyo nadagdagan ng info.. Hehehe..
March 10. >>Defense. Ayos lang, maganda naman daw yung presentation e.. Kinabahan ako ng todo.. Halos masira ko na yung upuan sa Conference Hall.. Tragiz ka SP..
>>Tambay. Bumalik kami sa room. Grabe yung mga tao sa loob, nagDota daw ba? Ayun.. Nagcanteen kami ni Catleya.. Dalawang beses.. Nasarapan ako sa kinakain niya e.. Nyahaha.. Tambay uli sa room.. Umiyak ako, nakita nila Heverly at Ericson.. Tamah kasi e..
>>Benefit Concert. Ayun.. MTV Homecoming ni Miro Valera sa Quesci para kay Ma'am Gapas.. Pumunta ako kasi andun sila Yza.. Andun din sila Tamah. Hindi ako masyadong nag-enjoy.. Pero masaya yung mga kanta ng Stonefree.. Kaso nag-aalala talaga ako kay Tamah.. Ang tamlay niya talaga.. Siya lang ang iniisip ko buong concert..
March 9. Halfday dahil sa ATW.. Salamat at naayos na namin yung paper at yung Powerpoint presentation.. Pagkatapos ng klase nagpunta kami kanila JP.. Wala si Gianelli.. Hinatid kami dun ng parents ni RJ.. Haaay.. Feeling ko medyo galit yung pagsasalita ko nung tinanong ako ng Dad ni RJ.. Kaasar naman!! Nakakahiya ako.. Anyway.. Nagpunta kami sa tindahan kasi magpapaload si Carla.. Ayun.. Kwentuhan at laro ng Sims hanggang 6pm, tapos practice na ng defense.. Ayan nanaman sila JP, nilock uli yung pinto at pinatay ang ilaw.. Baliw.. Mga 8:30pm kami natapos.. Nagkwentuhan uli kami.. Ang dami kong nalaman.. Sinundo na ako ni Mama mga 9:30pm..
March 8. Yung buhok ni Lindsay.. Alam niyo na yun! Basta pinagtulung-tulungan na naming alisin yung roller brush sa kanyang buhok.. Dalawang oras kami, kaya hindi kami [Yza, Audrey, Victoria, Ako, Lindsay, Catleya, at Danniel] nagTW at Comp.. Si Jhobert din tumulong pagkatapos ng TW.. Thank you kanila Ma'am San Diego at Ma'am Bustria sa pagiintindi ng sitwasyon namin..
Dumating sila Mommy at Daddy.. May dalang chichiria.. Wala lang.. Naiwan ko nga pala yung lunchbox ko sa school.. Shucks..
March 7. Speech Choir. Wala lang.. Ang dami kong mali.. Ang gwapo ni Tamah.. Medyo magulo yung presentation namin kumpara sa mga practice..
March 6. God. Hindi ko masyadong maintindihan pero okei lang naman.. Sobrang nakakatawa..
March 5. Simba.. Nawala ko yung mga kapares ng dalawa kong hikaw.. Bwiset.. Pero sumaya ako nung nakita ko yung mga tuta ni Xena.. Sa wakas!! Nanganak din!! Kaso namatay yung isa.. Yun ang malungkot dun.. Tapos first time kong umakyat sa tree house.. Nakakatakot.. Hehehe.. Pumunta kami sa Circle C para magpapicture.. Ipapadala sa mga tita ko.. Para din sa application sa Canada.. Haaay.. Nagtext uli si Mon, kaso wala na akong load.. Nakitext nalang ako kay Mama.. Nagkataong hindi ko nabura at nabasa ni Papa.. Akala niya pa si Mama ang katext.. Tinawagan niya tuloy.. Sinigawan niya pa.. Waaaaaaaaaaaaah!! Ayoko na.. Mon, sori talaga ha?
March 4. Nagpunta kami kanila Audrey para pag-usapan ang aming gagawin para sa Speech Choir.. Nadagdagan yung gagawin ng mga narrators.. Ang daming nabago.. Tapos nagpabili kami kay Jhobert ng lunch.. Sabay dumating sundo ko, kaya hinintay pa namin si Jhobert.. Wala na akong pera.. Pag-uwi, tinuruan ako ni Papa na magdrums.. Saya.. Wala na akong unlimited.. Pumunta kami kanila Mommy.. Binigay niya sa'kin yung mga pantatak sa katawan..
March 3. Muntik na akong hindi sunduin ng service.. Kung hindi pa tinawagan ni Mama hindi pa dadaan sa bahay.. Grabe ang galit ko pagdating sa school.. Mura ako nang mura.. Ewan ko ba sa sarili ko.. Ang sama ko.. Ayun.. Pagkatapos ng klase nagpunta kami sa bahay nila JP para magpractice ng defense.. Hinatid kami ng Mom ni RJ.. Wala si Catleya.. Kwentuhan kami.. Tapos practice.. Ang sarap ng chicken soup.. Hehehe.. Asar naman sila JP.. Ilock daw ba yung pinto tapos patayin ang ilaw? Ayan tuloy, may nasaktan.. Eniwei.. Sinundo na ako ni Mama mga 9pm..
March 2. Achievement test. Panghapon ako, kaya nanood muna ako ng TV.. Soccer napanood ko.. Tapos naligo na ako at pumuntang school.. Shucks ang saya ko.. Ayun.. Medyo mahirap yung Math tsaka yung composition sa Pinoi.. Bahala na.. Sabog na ako dun.. Sinundo ako ni Mama.. Nagpunta kaming SM para magbayad sa Smart.. Nag-unlimited ako.. Kasi e.. Inubos ang aking load.. Apat na araw ubos ang 200.. Eniwei.. NagStarBucks kami ni Mama.. Tapos nagCircle C.. Bumili kami ng mga CD..
March 1. Excused sa ibang klase para magpractice.. Galing ni Iya sa spelling contest.. Congrats..
February 28. Nagpunta kami sa bahay ng tita ni RJ pagkatapos ng klase.. Grabe, ang daming hagdan.. Sana may elevator.. Hehehe.. Peace.. Ganda nung balcony.. Halos tumalon na ako.. Tapos kinausap ako nila Karl at Lindsay.. Tungkol ksy Tamah at iba pang bagay.. May nagalit.. ??? Sinundo ako ni Mama sa SM.. Sinabay namin sila Karl at Yza..
February 27. No classes dahil dun sa Coup.. Nagkakagulo parin sila.. Practice kanila Yza para sa Speech Choir..
February 26. Simba. Tapos nagpunta kami sa Happy Homes.. Nagkakagulo ang bansa..
February 25. Practice sa bahay namin para sa Speech Choir.. Medyo masikip, pero nakagawa na kami ng choreography.. Umuwi na silang lahat, maliban kanila RJ at Kate.. Sinundo si Kate, tapos asaran parin kami ni RJ. Nakisama na nga si Mama e.. Pagkauwi niya, sinamahan ko si Mama sa palengke.. Pinagdrive ako.. Muntik na kaming bumunggo.. Haha.. Ayun.. Bumili kami ng ulam.. Tapos may nagtext..
0 Comments:
Post a Comment
<< Home