Tuesday, April 25, 2006

Saan Ba Masakit?>

Gad. Ayoko na. Hindi ko maintindihan kung bakit wala ka parin. Care to explain why? Mahirap mag-isip ng dahilan kung bakit. Alam mo bang nag-aalala na ako? Darn you. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung mahal mo talaga ako.

Pasensya na. Medyo naguguluhan na ako. Hayaan mo nalang ako. Wala na ako bukas.

Sori kung medyo nagdrama ako. 'Wag kayong mag-alala.. Hindi para sa inyo yun. Eniwei. 'Eto na ang kwento ng buhay ko ngayon at kahapon. Tagalog ulit.

April 25

Happy birthday kay Tita Tet!! Yey!! Ipagdidiwang namin ang kanyang kaarawan sa Sabado sa Nueva Ecija. Swimming!! Sana kasama sila Ate Lyn..

Madaming masakit sa katawan ko ngayon. Masakit ang ulo ko, siguro dahil sumobra uli ang oras na nasa harap ako ng computer. Masakit ang puson ko, malamang dahil babae ako. At ang panghuli, waaa, 'wag niyo nang intindihin. Hint na yung panimula ko. Go figure.

Nga pala, ayaw magpublish ng blog ko kahapon. Buti ngayon okei na.

Wow.. Nakakita ako ng episode summaries ng Alice Academy. Grabe.. Nakakatuwa.. May love triangle din pala.

Nagpunta nga pala sila Kyla, sinundo si Howell. As usual, nagSims muna kami. Pinalaki ko yung baby. Tapos umalis na sila.

Tumawag si Lindsay, nangangamusta at nagpapabisita ng live journal.. Waaa.. Mis ko na kayo!!

April 24

Okei, continuation ito nung post ko kahapon. Yun nga, hindi na tuloy ang pag-assassinate kay Papa. Ang galing talaga ng tatay ko. Subukan nilang ulitin yun. Patay sila sa'kin. Naks naman. Parang kaya ko sila a.

Nagpunta sila Mama sa St. Charbel ngayon, magsiswimming sila habang hinihintay si Clarke. Nagbabasketbol kasi si Clarke. Ayun. Pinipilit ako ni Mama na sumama. Sadyang ayoko talaga. Ewan ko ba.

Nagtext si Lindsay ngayon. 'Huuug' daw. Ay nakoo. Nasobrahan kay yael. LC talaga o.

Napanood ko uli yung laban ng Chelsea at Liverpool. Nanalo ang Liverpool. 1-2. Naks. Wala lang.