April 18. 12am. Happy birthday to me.. Makalipas ang ilang minuto, may nagtext.. Hehe.. Thank you.. Ang ganda nung card.. Thank you talaga.. Okei.. Tapos na ang hinihintay ko nung madaling araw na yun.. Natulog na ako.. 6.30am. Wakie, wakie.. Bati ni Mama, thank you. Babad sa banyo.. Pili ng damit.. Tumawag si Dohn.. Usap-usap.. Baba telepono.. Ayos ng sarili.. Tumawag uli si Dohn.. Kain.. Toothbrush.. Hintay-hintay.. Tugtog ng piano.. Drums.. Upo sa swing.. Dumating si Jeric.. Thank you.. Samahan siya sa taas.. Pumasok siya sa kwarto nila Cloy.. Laro sila ng PS2.. Baba ako.. Nagtext sila Dohn.. Dyan na daw sila.. Ang aga nila, grabe.. One hour late.. Thank you ulit.. Upo sa sala.. Tawag si Jeric.. Chika-chika.. Akyat.. Kunin ang manok sa ref.. Baba.. Ilagay ang manok sa stainless.. Lagay sa oven.. Text si Mama.. Tawag kay Mama.. Tawag kay Mommy.. Akyat ulit.. Kuha uli ng manok.. Ilagay uli sa stainless.. Lagay uli sa oven.. Pihit ng timer.. Tawag si Mama.. Tanggal ng isang manok..
Teka lang.. Ang hirap.. Okei.. Matino na ito..
Ayun.. Dumating na sila Mommy.. Naglaro kami ng Sims ni Kyla.. Tapos tumawag yung PLDT, nagawa na yung telepono.. Kaunting picture-picture tapos naglunch na kami nila Emmeline sa tree house.. Umalis si Jeric, nakipaglaro uli kanila Cloy sa loob.. Tapos tinuruan ko si Dohn maggitara, kahit na hindi ako marunong.. Yung Narda lang naman.. Dumating sila Orlie at Angelica.. Iniwan ko muna sila Dohn tapos pinapasok ko sila Ange.. Mamaya-maya dumating na sila Yza, Audrey, Karl, at Jhobert.. Sa may mga swing muna kami.. Usap-usap.. From time to time umaakyat ako sa tree house.. Kinakamusta ko sila Emmeline.. Dumating sila Lindsay, Jean, Jessa, at Ina.. Sandali lang sila kasi may ukay-ukay pa sila para sa IP.. Nakita raw nila si Yael.. Picture-picture ulit.. Hindi ako marunong.. Hehe.. Tapos nung paalis na sila, dumating si Heverly.. Ayun.. Kain trip na pagkatapos.. Daming handa.. Pansit.. Quail eggs.. Tinapay.. Nachos.. Shake na may sago.. Empanada.. Ayun.. Nagdrums si Jhobert.. Hehe.. Ang saya.. Tapos dumating si Tito Kristian.. Nagdrums sila ni Papa.. Grabe ang ingay namin.. Hehe.. Ang saya namin.. Hanggang mag-4 na, nagsiuwian na sila.. Thank you, thank you.. Bumalik ako sa tree house.. Kulitan kami dun nila Emmeline.. Umakyat si Mama, nakigulo din.. Kumpleto na sana, kaso kulang talaga.. Ahem.. Yun ang akala ko.. Hindi ako makapaniwalang nagawa mo yun para sa'kin.. Pasensya na kung nagulo ko kayo.. Thank you.. Sana tumigil yung oras.. Nakakaasar.. Mis na talaga kita.. Okei.. Tumawag si Angel.. Binati niya ako.. Mga 6.30 hinatid na namin sila Emmeline.. Picture-picture sa kotse.. Tapos hinanap ko yung Gitara sa CD changer.. Nakakainis, hinanap ko pa siya sa disk 2, 3, 4, 5, at 6, nasa disk 1 lang pala siya.. Pagka-uwi, nagthank you ako sa lahat.. May nakita akong puzzle na dinosaur.. Binuo ko muna, tapos umakyat na ako.. Nagbukas ako ng mga regalo.. Naglaro uli kami ni Kyla ng Sims, tapos umuwi na sila.. Nag-install ako ng mga games sa computer ko.. Naglaro ako hanggang maghang yung PC.. Nirestart ko.. Pinaglaro ko si Cloy habang binubuo ko uli yung puzzle.. Nung natapos na si Cloy, natulog na ako.. Mga 1.30am na yun.. Ay.. Tapos na ang masaya kong araw.
~Thank you talaga sa lahat.. No words can express my gratitude and happiness.. Basta thank you talaga!! Mahal ko kayo!! Ingat kayo palagi.. God bless..
April 17. >>Panaginip nanaman.. Ang dami ko talagang naaalala.. Eniwei.. Alam ko namang imposible yun.. Di ba? Nakakainis.. Now I'm doubting even more things.. [ Help.. =( ] Wow ingles.. Hirap sa tagalog e..
>>Linis ng Kwarto - Part 3. Aparador naman.. Madali lang.. Inayos ko na 'to dati.. Hehe..
>>Gupit. Pinagupitan ako ng buhok.. Nakakaasar.. Dinamay yung kilay ko.. Mona Lisa na tuloy ako.. Hehe.. Joke lang.. Mukha akong bakla.. Bakla nga pala ako so okei lang..
>>Dumating uli sila Kyla at Howell kasama si Tito Edwin.. Tapos naglaro uli kami ng Sims.. Thank you sa mga regalo..
>>Ayos na? Ang galing.. Hehe..
April 16. >>Panaginip ulit. Chollo naman e..
>>Pinaliguan ko ang mga aso maliban kanila Merl at Xena.. Malalaki e.. Tsaka may mga sugat sila.. Wala ding sabon.. Baka masaktan ko lang sila.. Ayun.. Tapos nakawala si Domen.. Nahuli ko naman.. =)
>>Linis ng Kwarto - Part 2. Dresser at computer naman ngayon.. Tapos inayos ko yung mga papel sa kwarto ko.. Grabe, ang dami.. Ang dami ring nakasulat na di-kanais-nais.. Ayoko nang balikan ang nakaraan.. Eniwei.. Salamat at natapos kong linisin..
>>Dumating sila Mommy, Kyla, at Howell..
>>Easter Sunday Mass. Every year yan dito sa'min.. Astig.. Nabubulol ako nung nagbabasa ako.. Hindi talaga ako marunong magtagalog..
>>Sims Collection 2. Naglaro kami ni Kyla.. Wala lang..
>>Dial-up. Naayos ni Cloy.. Ang galing talaga.. Internet ulit..
April 15. >>Gandang panaginip a.. Napaka-imposible..
>>Nagpunta kami ni Mama sa: school, tinignan namin kung may announcement na para sa enrollment.. SM, para magbayad ng kung ano ano.. at SuperSale, para mag-grocery..
>>Ouch.. Ang sakit ng ulo ko.. Tulog muna ako..
>>Nood ng Mermaidia.. Wala lang.. Trip..
April 14. >>Nag-aya si Vince na magswimming sa taas.. Ayun..
>>Sana hindi ko nalang tinanong.. Kalimutan mo nalang yun.. Hindi mo naman yun sasagutin e.. Panibagong tanong nalang..
>>Doubt. Isang malaking problema.. Akala ko ba tutulungan mo ako?
>>Promis. Try kong 'wag nang saktan ang sarili ko..
April 13. >>Linis ng Kwarto - Part 1. Okei.. Inayos ko yung shelves at rack ko.. Ayun.. Magulo parin.. Hehe..
>>Uy.. Astig.. Andyan ka na..
>>Tinulugan ba kita? Sori!!
April 12. >>Sumama uli ako kay Mama sa AIM..
>>Tumawag uli ako kay Dohn.. Ayun.. Makulit parin siya as usual.. Pinagpipilitan ang mga bagay-bagay..
>>Dude.. Mis na talaga kita.. Ano nang nangyari sayo??
April 11. >>Sumama ako kay Mama sa AIM.. May Internet e.. Hehe.. Hindi na ako makatiis.. Eniwei.. Nakakatuwa yung mga tao dun.. Wala lang..
>>Tawag Trip. Ngayon naman, ako ang tumawag.. Tinawagan ko ang lahat.. Punta kayo ha.. Tapos nagtelebabad kami nang kaunti nila Dohn, Emgee, at Heverly..
>>Riddle. Sana matapos ko na..
>>Oi.. Bakit wala??
April 10. >>Nakakaasar yung panaginip ko.. Sinisisi nila ako sa isang bagay na hindi ko ginawa.. Nakakaasar talaga..
>>Asan ka??
April 9. >>Palm Sunday. Nagsimba kami.. Tapos pumunta kami sa Circle C, Cherry, at NBS.. Kain sa Greenwich.. Ayun.
>>Anong nangyari??
April 8. >>DV. Pumunta kami ni Mama sa Divisoria kasama sila Mommy, Daddy at Tita Annie.. Ang daming binili.. Ang saya ko kahit naprito na ang paa ko.. Bwisit na tsinelas yan..
>>Text Trip. Tinext ko sila Ate Lyn at Emgee.. Ayun.. Tsaka si ano..
>>Yea! Nagawa na ang computer ko.. Hindi na pwede ang Sims 2.. Masisira ulit..
>>Tawag sa ibang cellphone nanaman.. Hehe.. Beri gud.
April 7. >>Nood uli ng Narnia. Ang lakas ng trip ko..
>>Tumawag si Jhobert.. Ang galing.. April 8 daw ba ang birthday ko.. Beri gud.. Ang lapit ng 8 sa 18.. Grabe.. Hehe.. Pish tayo Jhobert..
>>Ang kyut ng cellphone mo.. Nasira.. Tsk tsk.. Kasi.. Ang galing e.. Hehe.. Joke lang..
>>Tawag sa ibang cellphone. Magaling. Gumawa ng paraan.. Hehe..
April 6. >>Nagpunta sila Mommy, Mama Angie, at Tito Robert.. Hinulaan nanaman ako.. Ayokong maniwala..
>>DFA. Inaayos na ang passport.. Nakakaasar yung guard.. Ayun.. Kukunin sa April 19 yung passport.. Buti nalang hindi tumama sa birthday ko.. Wahehe..
>>Chronicle of the Wings / Tsubasa Reservoir Chronicles. Ang galing.. Ang kyut.. Masubaybayan nga..
April 5. >>Binenta na yung Vitara.. Ayy..
>>Nanood kami ng Narnia.. Wala lang.. Ang ganda..
April 4. Tawag Trip.. Hehe.. Dalawang oras ata yun dude.. Wala lang.. Mis na kita.. Ayun.. Tapos tumawag din si Bunot este Lindsay..
April 3. >>Happy birthday Victoria!! Thank you ha.. Sori talaga kung hindi ko kayo masyadong nakasama.. Sensya na.. Hayaan mo.. Ngayon lang ito.. Hindi na mauulit. =) Happy birthday ulit.. Salamat sa lahat!!
>>Card. Wow.. Ang daming bumaba.. Kaasar..
>>Pasalubong. Uy.. Thank you Lindsay.. Ang kyut nung keychain.. Parang gazeebU.. Hehe.. Joke lang.. Thank you din sa choco flakes.. Alam mo bang dinakma yun nila EJ at Jhobert? [Yikee Jhobert.. Hehe.. Joke lang..] Sori ha.. Dinamay kita..
>>Uno Stacko. Saya.. Sori kung umalis ako kaagad.. Sori..
>>PTA. Private Tago of Affection. Ay nakoo.. Ang galing niyo Jhobert at EJ!! Grabe.
>>Yung isa pang card. Thank you.. Salamat..
>>Information Center. Naks.. Ang daming nagtanong..
>>Sori sori sori.. Sori!! Sori talaga sa SMB.. Pasensya na talaga.. Yza.. Sori kung hindi ako nakasabay.. Patawarin mo ako..
>>Mcdo. Waah. Thank you sa pagsama..
>>Nag-SM kami ni Mama.. Nagreklamo kami sa PLDT.. Nasira nanaman yung telepono namin.. Asar.. Walang DSL.. Walang Internet.. =( Tapos ewan na kung anong nangyari..
>>Tinulugan uli kita.. Sori.. Sana mapatawad mo ako..
April 2. >>Nagsimba uli kami.. Tapos nagpunta kami sa Circle C.. Salamat at nabili ko na rin yung Sims Collection 2.. Ang saya.. Ang kyut..
April 1. >>Natapos ko na yung Crystal Mask.. Ang bagal kong magbasa..
>>Canon. Okei.. alam ko na yung intro..
>>Nanood kami ng Fearless Four.. Wala lang.
March 31. >>Mass and Graduation. Congrats!!
>>Seryoso kang kanina ka pa diyan? Okei ka lang ba?
>>6242505482.
March 30. >>Puyat. Wala lang.. Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko.. Ikaw pa.. Malakas ka sa'kin.. Hehe..
>>Crystal Mask. Sinimulan ko uling basahin..
>>Sumabay ako kay Mama ngayon..
>>Huling kain sa Mcdo.. Hehe.
>> Gazeebo. Ang kulit nila Heverly at Ada.. Nakakatuwa..
>>1/4. Inanarrate ko pa ba? Happy birthday ulit sa mom mo..
>>Uy sori.. Tinulugan kita.. =(
March 29. >>Wala na si Lindsay.. Nagpuntang Baguio.. =( Pasalubong ko ha? Joke lang.. Ba't bumalik ka? Akala ko ba umalis ka na? A.. Yung class fund.. Hehe.. Joke lang ulit..
>>Volleyball. Hindi ako marunong.. Hehe.. Atleast nakapaglaro uli ako..
>>Recognition Day. Congrats!! Teka.. May away nanaman ba?
>>Aga kong umuwi.. =(
>>Praktis ng gitara kasama si Papa. Ang galing.. Pano poh uli yung strumming?
March 28. >>Happy birthday Clarke!!
>>Jamming. Dala ko gitara ko ngayon.. Dala din ni Lindsay yung kanya.. Ayun..
>>Sinundo ako ni Mama.. [ Ang aga nga e.. Hindi man lang ako nakapagpaalam.. =( ] Tapos pumunta kaming Cyberzone.. Bumili din akong W.I.T.C.H...
>>Ayun.. Kulitan kami ni Cloy.. Tapos nung gabi ang kulit din ni Mama..
March 27. >>Sumobra uli ang tulog. Haay.
>>General Cleaning. Gilid kami sa may kaliwa.. Ayaw matanggal.. Sige.. Kuskos lang.. Ayan.. Laro kasi nang laro.. Tsk tsk.. Hehe.. Joke lang..
>>MGA away. Wow.. Ang dami kong inaway.. Sori talaga.. Angel.. Karl.. Lindsay.. Papa.. Anyway.. Habang nagpapalamig ng ulo, kasama ko ang M.O.H.A... Sabayang pagbigkas nila.. Nanood ako.. Ang galing nila..
>>Usap.. Tsk tsk.. Beri gud.. Tinapon yung balde.. Joke lang.. In fairness napatawa mo ako.. Wala lang..
March 26. >>Okei.. Ipagdiwang ang nalalapit na kaarawan ng aking kapatid. Advance happy birthday!! Thank you at pinayagan mo akong mag-imbita..
>>Saya. Unang dumating si Jeric.. Tapos sabay-sabay na sila Emmeline, Erin, at Rocelle.. Sayang. Wala si Dohn.. Ayun.. Nasa treehouse kami.. Sige lang Erin.. Makakahanap ka din ng pwedeng arborin.. At may naarbor nga! Pati ba naman ang mga artwork ko na walang kwenta pinagtitripan? Okei.. Hanggang gabi tayo ha.. Ayos, sinundo na si Jeric.. Sige dito nalang kayo matulog ha.. Joke lang.. Ayun.. Hinatid na namin sila..
>>Away.. Astig.. Inaway ko Papa ko.. Wahehe.. Kasi naman e.. Bukas nalang ako magsosori.. Magpapalamig muna ako ng ulo..
March 25. >>Nagpunta kami sa palengke.. Nakalimutan ko na kung anong binili namin.. Tapos pumunta din kami kanila Mommy.. Ayun..
>>Okei.. Movie trip. Nanood kami ng Nanny McPhee at The Pagemaster.
>>Alice Academy. Ayos! Meron pala ng Saturday..
March 24. >>Term paper. Natapos ko din.. Bwisit walang papel.. Bumaba pa ako sa basement.. Kung nakita niyo lang ako.. Ang bilis kong tumakbo..
>>Ayan!! Naiwan ako ng service!! Hindi pa kasi ako magising.. Shem. Hindi talaga ako sanay sa ganito..
>>Akala mo absent ako? Hehe.. Dami kong dalang bote..
>>Defense. Astig.
March 23. Term paper.. Iniyakan ko 'to?! Weh? Buti nalang may class picture.. =)
March 22. >>Exams.. AP, Filipino, at MAPEH. Sabog.
>>Sabayang Pagbigkas. Nakailang take kami? Wahehe.. Nakalimutan ko pa yung tula. Ayos ka lang ba Yza? Sensya na..
>>School Service. Asteeeg. Iniwan talaga ako. Nagcommute tuloy kami nila Camille at Armin.. Kulitan kami sa FX.. Dinamay ko sila Melchor at Victoria.. Hehe.. Peace out..
>>Visual Basic. Meron sa computer namin kaya dito nalang kami gumawa sa bahay.. Ayaw gumana nung Example 5!! Well, anyway.. Natapos namin nila Camille at Armin.
>>Florante at Laura. Nagpunta kami ni Armin kanila Chollo para tumulong sa Pinoi. Hindi ako marunong magkulay.. Detail nalang ako.. Hehe.. Mukha ba talaga akong inaantok? Hindi naman a.. Eniwei.. Basahin daw ba ang blog ko?!
March 21. >>Perio ulit.. Biology at Geometry. Nakanaks.. Dalawa lang sila..
>>Praktis para sa Pinoi.. Gandang insekto na yan.
>>NSO. Birth at marriage certificates para sa passport. Ayoko pang umalis!
March 20. >>4th Quarter Periodical Exams. English, Algebra, Values Education. Ay ewan. Bagsakan na!!
>>Namatay yung isang tuta ni Xena.. Ano ba naman yan.. Naubos na ang mga tuta niya..
>>Babye Ma'am Cavo..
>>Usap-usap habang kumakain kasama sila Lindsay at Carla.. Thank you sa mga advice..
March 19. Simba.. Medyo naumpisahan..
March 18. Nagpunta kami sa Circle C ni Mama.. Nakita ko si Alain.. Hindi ko mabati kasi hindi naman ako sigurado kung kilala niya nga ako tsaka hindi naman ako FC e.. Buti nalang siya ang bumati..
March 17. >>AP Presentation. Indian family.. Tatak sa noo.. Narrator ulit.. Mamaya na ang lunch.. Wow.
>>Jingle sa Algebra. Ganda ng ending! Galing mo dude.
>>Away. Uy astig! Seryoso na ito.. Sensya na ha..
March 16. >>Assembling Figure. Bwisit na isda yan.. Pinuyat kami.. Tapos wala naman pala si Ma'am Dela Paz.. Haaay buhay..
>>Miting de Abanse. Tapos away ulit. Astig!
March 15. NAT. Booom!! Sabog!! Hindi na ako nagbreak.. Kahit nakakamis.. Basta.. tinapos ko nalang kaagad.. Pagkatapos ng NAT, nagpraktis kami para sa (1) Algebra: jingle at (2) Pinoi: sabayang pagbigkas.. Sa stage kami nagpraktis para sa Pinoi.. Thank you sa xerox..
March 14. Wala akong maalala.. Away nanaman ata.. Pish!
March 13. >>Presentation sa Mapeh.. Yung drugs.. Haaay.. Ang hirap kabisaduhin yung mga linya ko.. Hindi ko nga ata nakabisado e.. Oh well.. Mas masakit yung sampal.. Lalo na kung.. Joke lang.. Peace Maci!!
>>Alice Academy. Sa wakas!! May masusubaybayan uli akong anime!! Wala lang.. Ang ganda.. Lahat ng gusto kong super power nandun..
March 12. >>Simba uli.. Wow.. Naumpisahan namin.. For the first time.. Haha.. Yun ang naaalala ko..
>>Kung kahapon sila Mommy, Daddy, Tito Edwin, Tita Janette, Howell at Kyla lang ang dumating, ngayon naman dumagdag sila Tita Annie, Tita Peh, Tito Robert, Tita Tet at Nigel.. Ang saya talaga kapag may mga bisita na pwede kong guluhin.. Hehe.. Joke lang..
0 Comments:
Post a Comment
<< Home