Waah. Next time nalang ako mag-iingles. Matatagalan ako sa harap ng computer.. Baka sumakit uli ulo ko.. Eniwei.. 'Eto ang mga nangyari..
April 24
Sa ngayon wala parin akong maikukwento. A. Oo nga pala. Kausap ni Papa kanina sa tree house ang papatay sa kanya. Langya. Sabi ko kasi paturuan niyo akong gumamit ng kahit anong lethal weapon. Ako ang papatay sa g*g*ng nagpa-assassinate kay Papa. Grr. Bwisit siya. >=( Ayun. Hindi na ata siya papatayin. Nagdudrums na siya sa baba e.
April 23
Happy birthday Tito Edwin!! Teka lang.. Ikukwento ko muna yung panaginip ko. Wala lang. Kasi for the first time masaya ito. Nakasama ko siya ng maayos. Nga pala. First day of classes daw yun. Ang galing nga e. May swimming pool at pond na daw yung school. Ewan ko ba. Muntik na akong mahulog sa pond. May hinahanap kasi ako. Biglang nawala. Magaling. Eniwei.. Nung una nakakatakot, kasi gabi daw nun tapos may humahabol sa'min. Ayun. Pagkatapos.. Biglang nagliwanag. Nagswimming daw kami ni Yza. Pasensya na Yza.. Dinamay kita.. En den.. The end. Wala na akong maalala pagkatapos nun. Ang galing ko talaga.
Pagkagising ko, tumugtog muna ako ng kaunti sa piano. Sira parin. Beri gud. Tapos naligo na ako. Nagsimba kami. Wala si Papa. May inaasikaso. Pagkatapos ng misa, nagpunta kami sa Happy Homes, kanila Mommy, para ipagdiwang ang kaarawan ng aking tiyo. Grabe ako, kinain ko na yata ang lahat ng tsokolate nila dun. Kaya ako tumataba e. Halos walang magawa, kaya nanood nalang ako. Tapos walang mapanood sa TV. Ay meron pala. Soccer. Chelsea vs. Liverpool. Huli kong nood 0-1 ang score. Hindi ko natapos, dumating na kasi yung pamilya ng tito ko. Nilipat nila yung TV. Lumipat din ako ng pwesto, nasa hagdanan na ako. Pinagpapawisan na nga ako e, ang init dun. Tapos natapilok pa ako sa hagdan. Muntik na akong gumulong-gulong. Hehe. Ang galing.
Pagkatapos nilang kumain ng hapunan, umuwi na kami. Hindi nanaman ako kumain. Wala lang. Ayun. Kaunting praktis ng gitara, tapos naligo na ako. Hinintay ko yung Pinoy Big Brother Teen Edition. Wala lang ulit. Papalit-palit kami ng pinapanood. Ang ganda din kasi ng Full Metal Alchemist. Hindi ko na natapos yung Pinoy Big Brother. Umaga na e. Inaantok na ako. Nyt nyt. Este, good morning pala. =)
April 22
Nagpunta sila Mommy ngayon, iniwan nila si Howell. Pupunta kasi sila sa SM. Nanood nga pala ako ng Freaky Friday. Wala lang. Sa wakas naumpisahan ko din siya. Tapos nagtext si Victoria. Nagkamustahan kami. Sori.. Hindi na ako nakapagreply.. Sori talaga. Eniwei. Sumakit ang ulo ko kaya natulog muna ako. Mamaya-maya nag-away kami ni Mama. Ang init nanaman kasi ng ulo. Dahil siguro bagong gising siya.. Ang nakakagulat dun, bigla niya akong kinausap nung gabi na, tinanong niya ako kung gusto kong sumama sa patay. Namatay na kasi yung tiyo ng Papa ko. Ayun. Kasama namin si Vince. Wala sila Cloy at Clarke, naglalaro parin ng PS2. Eniwei, nakausap namin yung pinsan ni Papa na galing sa Canada. Takte, uulit ako ng highschool?! By age daw kasi. Haaay. Sabi ni Mama ako lang naman daw ang namumrublema, samantalang nagulat din si Cloy. Ewan ko ba.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
62425056
Wala lang. Ang tagal na kasi. Mis na kita. 'Wag mo na akong ilibre ha. Babatukan kita.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home