Sunday, May 28, 2006

Sa Wakas!!>

Oki. Pagkatapos ng pagkahaba-habang panahon, nakapag-update rin ako!! Ngayon lang kasi ako nakasingit sa PC.. Lagi nalang sila Cloy ang nasa harap nito.. Well, anyway.. Jhon, masaya ka na? Hehe.. Joke lang po.. Pish.

Ang buhay ko. =)

May 28

+ Romeo and Juliet. Tapos! Hehe.

+ Simba. Late na talaga kami. Haaaaay. Tapos kumain kami sa Jollibee. Ang tagal nung pagkain ni Clarke. Ayan tuloy, nangangayayat na siya. Hehe, joke lang po. Ayun. NagNBS kami ni Mama pagkatapos. Kinumpleto na niya yung mga kailangan ni Vince. Bumili ako ng notebook para sa homeworks at reminders. En den umuwi na kami.

+ Blog. Ayun nga, nakapag-update na ako. Nag-unahan kasi kami ni Cloy dito sa PC, nagkataong nauna ako. Bwahahahaha!! Hehe. =)

+ Contact Crisis. Hala. Hindi na raw makakapunta si JP. Hindi ko ma-contact sila Catleya at Giannelli. Hindi pa nakakapagpaalam si Carla. Waaa!! Ba't ganun? Ano ba yan.. Naman kasi eh.. Ginawa pang Monday, samantalang pwede naman nung Friday.. Tsk, tsk. Hehe. Peace, dude.

+ Away. Okei. Dabog mode kay Mader. >=( Haha. Pish.

+ Orange2. Hi Emme!! Salamat sa pagtawag!! Namis po kita!! Kailan tayo lalabas? XD

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

May 27

+ Buhat mode. Oki. Bumili kami ng school supplies at sapatos ni Vince sa SM. Salamat po sa bag!! Thank you!! X) Eniwei. Ako yung nagbuhat nung lahat ng binili. Tapos ayaw ko pang magpatulong. Saya. Kumain kami sa Red Ribbon (Mmm.. Palabok!! Cake!! Hehe..), at nagkomyut pauwi. Pagod na ako. Haay.

+ Card at Sulat. Sinipag ulit. Sinulatan ko na yung card na ginawa ko. Tapos hindi nagkasya kaya sumulat na rin ako. Hehe. Bukas ko nalang lalagyan ng laman yung card na binili ko ngayon sa NBS. =) Mis ko na ang mga tao!!

+ Brown-out. Hanggang umaga nanaman. Gumuguhit sina Cloy, Clarke, at Clem(Mas sanay kayo sa Vince. ^_~) habang nagbabasa ako ng Romeo and Juliet sa MP4 ko. Asteeeg!! Nung naubos na yung battery niya, nagtext nalang ako sa mga tao. Salamat Erin!! Kahit na iniisip mo pa kung sino yung iniisip ko. Hehe. Pish.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

May 26

+ Interview. May interview ukol sa isang cologne. Nagkataong sinama nila ako, kaya sumabay ako kay Mama papuntang Makati. Ayun. Tambay muna sa AIM. Kain ng take-out sa Max's. 1.15pm umalis na kami patungong Glass Tower. Iniba muna nila yung paaralan ko. Beri gud. Tapos ako yung pinakatahimik dun. Medyo nakaka-OP. Bandang huli Ellipse pala yung cologne. I-expect niyong may kabayo o scarf yung susunod na commercial. Ata. =) Pagkatapos, umalis na ako. Bumalik ako sa AIM at umuwi na kami ni Mama. Yey, kumita ako. Haha. Wala lang.

+ Noli Me Tangere. Tinapos ko siya sa AIM. Bitin. Ang lungkot nung kwento.

+ Romeo and Juliet. Nakuha ko yung play sa Internet. Ayun. Sinimulan kong basahin. XD

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

May 25

+ Panaginip nanaman. Mini zoo, actually nasa loob siya ng isang bahay na hindi ko alam kung sino ang may-ari. Hehe. Nakita ko sila Victoria at Sharmaine. Hala. Nandamay pa ako. Sensya na sa inyo.

+ Telepono. Putek. Ang sarap ibalibag. Bwisit. Hehe. Wala lang.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

May 24

+ Panaginip. (Ang galing talaga!! Lagi ko nalang natatandaan..) Puro waterfalls. Ang dami. Haay. Napanaginipan ko na ito dati. Wala lang.

+ Card. Aba, sinipag. Emme, sensya na po, medyo pangit siya. Ginawa ko lang kasi. Hehe. Wala pang nakasulat. Next time nalang po. ;)

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

May 23

+ Panaginip. Iyak nanaman. Haay. Ngayon hindi ko alam kung bakit. Hehe. Yung isa namang hindi nakakaiyak nandun si Catleya. Wala lang. =)

+ Ang magpipinsan. Nagpunta si Howell. Ayun. Kahit nasira na yung PS2, masaya parin sila. Nakakainggit naman. =(

+ Jen at Kevs. Uy, sori po!! Patawarin niyo ako.. :'(

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

May 22

+ Noli Me Tangere. Ipagpatuloy natin ang pagbasa. XD

+ Brown-out. Nanaman?!! Buti nalang, sandali lang siya. Salamat.

+ Da Vinci Code. Pinanood ko uli. Yung may tungkol sa Last Supper naman. =)

+ Salamin. Gawa na siya. Thank you.

+ Beef Steak. Masarap nga ba? Hmm..

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

May 21

+ Panaginip. Manonood daw kami ng palabas, tapos may libreng t-shirt. Ayun. Pinagbintangan nanaman ako. Nagising akong umiiyak. 'Steeg.

+ Simba. Medyo late. Hehe.

+ Circle C. Ayos. Nakabili ako ng Sims 2 para sa PS2. Palaruin naman kaya ako ng aking mga kapatid? Haay. Bumili si Mama ng Da Vinci Code na DVD. Pinagawa rin yung salamin ko. Saya.

+ Da Vinci Code. Alam kong hindi ko siya dapat pinapanood. Haay. Simula lang naman. Pagbigyan. X)

+ Sims 2. Halos pareho lang sila nung para sa PC, kaso mas maganda ito kasi kinakaya nung PS2. =)

+ Bedtime. 10pm matutulog na raw ako. Haay. So much for waiting.