Wednesday, May 17, 2006

Updates.. *Sigh*>

May 16

+ Friendly Visit II. Oki. Binisita uli namin si Danniel kaso sa bahay naman nila ngayon. Nagkita-kita kami nila Jhobert at Yza sa McDo Mindanao Ave., tapos hinintay namin sila Audrey, Jean, at Jessa. Nagcommute kami papuntang General Ave., en den nilakad nalang namin hanggang makarating kami sa bahay nila Danniel. Nakasalubong namin sila Jerome, paalis na kasi sila. Ayun.. Tambay sa loob ng kwarto [Lamig!!].. Mafia, Mafia [Wahaha!! Ang ganda nung dare ni Kuya Aidrian!! Pish Jean!!].. Laro ng PS2 [Naruto!! Tekken!! Wala akong kwenta.].. Kinig sa radyo [Salamat biggie!!].. Nood ng My Humps ni ano [Basta!! Hehe.].. 3pm kumain na kami kasi kailangan nang umalis ni Audrey para sa violin lessons niya sa UP. Pasensya na talaga Danniel!! Salamat sa lahat.. Tapos umalis na kaming lahat. =)

+ 08. Hehe.. Ang galing..

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

May 15

+ Brigada Eskwela. Magdodonate ako ng dustpan, kaya dumaan kaming palengke para bumili. Tapos, nagpunta ako kanila Yza, sabay kasi kaming pupunta sa school. Grabe ang tagal naming naghintay bago kami nakapaglinis. Ang ganda pa ng room namin, nasa 3rd floor ng Mathay II. Kami lang ang 3rd year dun. Asteeg. Sana katabi nalang namin ang Bec. Eniwei. Habang naglilinis, biglang nasira yung sandals ni Lindsay kaya nagpabili siya ng tsinelas. Pagkatapos ng lahat-lahat, kumain kami sa Mcdo [Mis ko na 'to!!]. Linibot din namin yung SM, nagkulitan sa Foodcourt, hanggang umuwi na kami. Oki, pinabili ako ng turon. Hehe.

+ Lucky. Yung inaasahan kong mabubuhay na tuta sa clinic ay namatay na. :'(

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

May 14

+ Happy Mother's Day sa lahat ng mga nanay!! Nagsimba muna kami, tapos nagpunta kami kanila Mommy. Nandun sila Kyla at sila Tita Peh. Sayang, wala sila Nigel.

+ Movie Marathon. Maliban sa pagkain ng Frutos [Teka, ako lang yata 'to.. =)], nanood kaming mga kababaihan nung dinala ng Tita kong 4-in-1 DVD. Inuna naming panoorin yung Don't Give Up On Us, tapos yung Ispiritista naman. En den nagbreak muna kami, tapos Close To You naman. Sayang, hindi ko natapos, maganda pa naman. =(

+ Pasaload. Thank you Tito Edwin!!

+ Ikaw poh. Happy birthday sa kapatid mo. =)

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

May 13

+ Salamin. Salamat poh!! Kung sino ka man..

+ Noli Me Tangere. Tigil muna tayo sa Kabanata 10.

+ Sinigang ulit. Hindi na medyo matigas yung baboy. XD

+ Chat. Oh yes!! Naabutan ko din si Len!! Yehey!! =D

+ Niya. Ayos.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

May 12

+ Thank you. Salamat sa Diyos. Salamat sa inyong lahat. Palawakin ko. Medyo weird, pero kinausap ko si God ngayon. Hindi kasi ako makatulog e. Pinasalamatan ko Siya at sila. Di niyo makuha? Bahala kayo. Hehe. Joke lang. Basta, wag niyo nang alamin yun. =)

+ Emmeline. Salamat sa pagtetext kahit madaling araw na.. Hehe.. Mis na kita!!

+ Panaginip. Grabe. Mas matamis yung candy. =)

+ Clover. Yes!! May natira!! Kung sino pa yung pinakamaliit, siya pa yung nabuhay!! Magaling.. Yung isa niyang kapatid nasa clinic pa..

+ Blog. Inayos ko nang kaunti.

+ Noli Me Tangere. Simulan nating basahin..

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

May 11

+ Eleven Minutes. Haaay. Natapos ko rin.

+ Sinigang. Masarap pero medyo matigas yung baboy. May next time pa. =)

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

May 10

+ Enrollment. Arouch naman. Well anyway. Hulaan niyo nalang yung nangyari. =)

+ Emmeline. Ginulat mo ako. Salamat, salamat talaga. XD

+ Pizza. Mmm.. Charap.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

May 9

+ Night Light Bulb. Ang aga-aga pumuputok nalang bigla. Ayoko ko nang palitan ito nang walang kasamang iba. Kahit madilim, ayos lang. =(

+ Hand Reading. Natapos ko nga, hindi ko naman maintindihan. Hehe.

+ Eleven Minutes. Tungkol sa isang prostitute. Basahin niyo nalang para masaya. =)

+ Ice Age 2. Hehehe. Ang kulit.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

May 8

+ Diary of an Anorexic Girl. Tapos. Hehe. Maganda yung storya.

+ Hand Reading. Mabasa nga. Nakakatuwa eh.

+ Ginisang Sayote nanaman. May sitaw na ngayon. =)

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

***Sensya na, natagalan akong mag-update. =)

**Nga pala.. Lagi na kitang napapanaginipan. Medyo matino na, kaso hindi ko masyadong maalala. XD

*Yun lang poh!! =D