Saan ko ba sisimulan? Ganito kasi yun.. Last Thursday, may nagtext. Akala ko kung sino, yun pala, si Roi. Si Roi nga pala yung crush ko nung first year pa ako. Bagong lipat lang siya noon sa dati kong school. Ayun. Ang bait sa'kin kaso tinatarayan ko lang. Haha. Tapos hindi ko na siya natext o nakita ulit. Fast forward. Nakuha niya yung number ko ngayon sa kaklase ko dati. Nagtext siya, kamustahan naman kami. Hanggang sa kagabi, napadpad kami kanila Basilio at Crispin. Kunwari, ako si Basilio. Sabi niya, siya si Crispin. Kinamusta niya ang manliligaw kong si Linares na dinala ni Padre Damaso. Haha. Si Basilio? May manliligaw? Baliw na talaga siya. Iba pala yung tinutukoy niya. Sabi ko wala na, nainip sa paghihintay. Tinanong niya kung may boyfriend na ako, sabi ko wala. Tinanong ko siya kung sino ang GF niya ngayon, nung una sabi niya wala. Kunwari pa siya, alam ko rin namang meron. At meron naman talaga. Sabi niya pa, niligawan lang daw niya yun kasi hinihintay niya pa rin si C _ _ _ _ _ _ _ _. Sabi raw kasi nun, studies muna. Haha. En den, he sed, "Ang swerte nga nun para maghintay pa rin ako ngayon kaya ano na kaya ang isasagot niya sa'kin?" Hulaan niyo nalang kung anong nangyari. Basta, mayroong "Geh, hintay ako kung kailan mawawala yang bodyguard mo." Tapos, hulaan niyo ulit ang nangyari. Aftermath: "Pareho pala tayong not available kaso ang difference ako hindi ako enjoy, 'kaw mukhang enjoy sa bodyguard mo." So true. =) I just hope he finds the happiness he deserves.
Ayun. Katext ko pa rin. Baka naka-extra joss uli siya. Baliw talaga. Hahahaha.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home